Pagsuko

Ganito ba talaga kasakit ang umibig?
Wari’y ang puso sumisikip,
Mabilis ang pintig,
Mabagal ang takbo ng isip.

Noong una ay masaya.
Ngunit tila nagbago na.
Masasayang araw na kasama ka,
Napalitan ng mapapait na alaala.

Nasaan ka na ba?
Nangako na hindi ipagpapalit sa iba,
Pero naglaho ka kasama sya.
Miss na miss na kita.

Siguro nga oras na para ako’y sumuko na.
Sabi ko hihintayin kita,
Kahit anong petsa.
Pero ako ay pagod na.

Kala ko kaya kong maghintay,
Kahit na walang hinihintay.
May hanggangan din pala,
Kapag ikaw ay nasasaktan.

Masaya ka na sa piling nya,
Guguluhin pa ba kita?
Masaya na kong makita ka.
Kahit sa piling pa ng iba.

“Pinagtagpo pero hindi itinadhana.”
Mga katagang uso sa social media.
Akala ko para sa iba,
Pero para pala sa ating dalawa.

Di ko na ipipilit pa.
Malaya ka na.
Mahal parin kita,
At ang sakit sakit na.

Salamat sa pagdating mo.
Naranasan ko magmahal na totoo.
Dahil sa piling mo,
Naging masaya ako.

Sinusuko na kita,
Na dapat dati ko pa ginawa.
Paalam sayo,
Tapos na ang “tayo”.

Umaasa, Naghihintay

Dumating kang hindi inaasahan,
Sa pasyalan una kang nasilayan.
Puso ko’y umpisa palang nabihag mo na,
Umaasa isang araw makilala ka.

Salamat sa kaibigan,
ika’y pinakilala.
Puso ko’y tumatalon sa tuwa,
hindi makapaniwala.

Placeholder Image

Nagumpisa sa isang “hi”,
umaasang hindi matapos sa isang “babye”.
Bawat sandaling ikaw ay kausap,
mga paru-paro sa kalamnan aking nararamdaman.

Ngiti mong nakakasilaw,
unti-unti akong tinutunaw.
Ngayon lang naramdaman,
ganitong kasiyahan.

Mundo ko’y tumitigil,
sa bawat araw na ikaw ay kapiling.
Pagibig na bang matatawag ang aking nararamdaman?
Ngunit ako ay takot masaktan.

Isang araw ikaw ay umamin,
ako’y gusto mo rin.
Hindi alam ang gagawin,
parang nananaginip ng gising.

Sa una ay masaya,
lagi tayong magkasama.
Tawa dito, tawa doon,
hindi mapaglagyan ang saya ng puso ko ng nga oras na iyon.

Naalala ko noong unang beses mong hawakan ang aking mga kamay.
Tuhod ko’y nanghina,
hindi parin makapaniwala.

Ang saya-saya ko,
ayoko ng matapos mga oras na ito.
Pero sa totoo,
natatakot ako na baka panandalian lang ang lahat ng ito.

letting-go-hands
So much feels with this photo. Thanks to the owner 🙂

Eto na nga ba ang kinakatakutan ko,
bigla kang nagbago.
Sabi mo sakin wag akong mawala,
pero bakit ika’y madaya nawala ng parang bula.

Umaasa na bukas babalik ka,
pero anong petsa na?
Wala ka pa.
Heto ako, naghihintay sa pagbalik mo.
Kahit alam kong ito’y malabo.

Tinanong ko ang sarili ko,
ano bang nagawa ko bakit ka biglang nagbago?
Ang galing ng tadhana sinagot agad ang tanong ko,
nakita kita kasama ang taong totoong mahal mo.

Gusto kong magalit pero hindi ko magawa,
dahil pagibig ko sayo ang patuloy na nangingibabaw.
Wala akong karapatan pero ako’y nasasaktan.
Kasalanan ko ba kung ako’y nagmamahal lamang?

Ang saya-saya niyo,
na-iinggit ako.
Yung taong pinapangarap ko,
hawak na ng ibang tao.

Napangiti ako.
Naisip na ikaw ay masaya na,
kahit hindi ako ang dahilan ng mga guhit sa iyong mga mata.
Ngunit sa loob ko,
ang sakit sakit na.
Makitang ang pinapangarap ko,
masaya na sa piling ng iba.

Salamat sa’yo ako’y pinasaya mo,
kahit sa maikling panahon.
Tandaan mo mahal ko,
nandito lang ako maghihintay sa’yo.

Mahal parin kita,
pero mahal mo na sya.
Talo na ko,
tanggap ko na ito.

Kahit mali sa mata ibang tao,
maghihintay parin ako.
Nagmamahal lang naman ako ng taong di na ako gusto.
Basta mahal tandaan mo,
Nandito lang ako naghihintay sa pagbalik mo.